Posted in Life, Thoughts

Mga Batang Millenials πŸ‘—πŸ‘›

Millenials, hindi ko alam kung ano ba ang eksakto at konkretong kahulugan ng salitang yan! Hahaha. Mdyo bobo lang paminsan minsan. Sori na! Tao lang. Para sa akin, kahulugan nyan ay mga batang ipinanganak simula 2000 up to now. Pwede rin namang tayo na inabutan ng ganitong term sa social media. Kahit alam natin talaga Batang 90’s ang tawag sa atin πŸ™‚

Kung anuman kahulugan nyan para sayo, ang alam ko lang talaga iba na mga bata ngayon kesa sa dati. Bihira na lang nilang maranasan maglaro sa labas, kasi puro cp, tablets, computers na ang kanilang hinahawakan ngayon.

Masasabi kong masaya at talaga namang isang malaking adventures ang kabataan ng mga Batang 90’s. Kung saan uso pa mga laro, langit lupa, mataya taya, jerbase, danggit panyo, patintero at piko. Kung saan nagiipon ka pa ng mga teks at paper dolls. Masaya ka na pag nagkaroon ka ng songhits at cp na nakakapgcompose ng ringing tone ng paborito mong kanta.

Sa ngayon, ako ay nalulungkot sa mga batang nagmamadaling tumanda. Elementary pa lang maruno ng magmake up at kung ano ano pa. Nakikita mo na sa lansangan na may kahawakan ng kamay. Hindi mo naman mautusan maghugas man lang pinggan πŸ˜±πŸ˜‚ Β Marami ng alam, kala mo ganun lang kadali ng buhay. Β Kasarap lang talaga nilang kuritin sa singit at paluhudin sa asin. Hahaha.

Hindi ko naman nilalahat, kasi alam ko meron pang mga bata dyan na maraming pangarap sa buhay, yung inieenjoy lang nila ang kanilang pagkabata. At saludo ako sa kanila.

Annyeong! ❀

Advertisements
Posted in Happiness, Life, Thoughts

Sa Pagpatak ng Alas DosπŸ‘œ

Napakadami talaga pwedeng pagkwentuhan sa opisina lalo na kung puro babae kayo at never pang nagkaroon ng lalaking empleyado.

Ganito ang set up namin sa ofis araw araw.  Sa umaga busy busyhan ang peg ng mga bruhilda. Pang employee of the month lang talaga. Hindi maabala, kanya kanyang tipa sa keyboard at kelangang umabot sa quota at sa mga pinapagawa ng clients. Mga mapagpanggap, kala mo ay hirap na hirap sa ginagawa na tipong wala ng bukas! Hahaha 😜

Ngunit, subalit, datapwat, sa pagpatak ng alas dos. Kung saan inaantok na ang lahat. Ayan na, andyan na ang usapang kaberdehan. πŸ˜‚ Kanya kanyang pabida sa mga naranasan, palibhasa mga babae lang lahat walang filter kinahahantungan ng usapan!

Kesyo kelan ka unang beses na nakatikim ng Biyaya ng Diyos at kung kelan ka lang nasasarapan. Omegesh! Rated Spg talaga. πŸ˜‚ Karamihan kasi ay mga asawa at anak na, kaya okay na mga ganitong klaseng kabalbalan.

Gising nga naman ang lahat, mapavirgin o hindi na, talagang game na game lahat sa ganitong klase ng usapan! Hahaha. Una unahan na lang labasan! πŸ˜‚

Naniniwala na talaga akong mas mahalay ang mga babae kesa sa kalalakihan!

Kayo? Anong kwentuhan nyu pagpatak ng alas dos? Hahaha πŸ˜‚

Annyeong! ❀

Posted in Life, Thoughts

Pray for PhilippinesπŸ‘

Napakarami na talaga nangyayari sa Pilipinas. Hindi ko na maisa isa sa bawat lugar, hindi rin naman sobrang gulo kung ikukumpara sa ibang bansa. Yan ay sa tingin ko lang naman ha, eto ay sarili ko lang talagang opinyon! Meron naman kayong free will para gamitin yung sa inyo. Hahaha. πŸ˜„

Sa mga normal na ofis girl na tulad ko, Jusmio, sa mga naririnig ko sa kapitbahay namin, sa kaofismate at kung sino sino pa. Lahat na lang ng bagay sinisisi natin sa ating niluklok na Pangulo.

Pati pagkabrokenhearted, at sa pagkamatay ng kuko mo sa paa, Pangulo pa rin ang may sala. Jusmio! Kaya ganito, kaya mahirap kami, kaya wala kaming makain, wala kaming tubig, kuryente, at lahat ng kadramahan sa buhay. Pangulo ang may sala! Kawawang pangulo ng Pilipinas!

Siguro, minsan wala na sa Pangulo ang problema, nasa atin na! Kulang kasi tayo sa disiplina. Naghahanap lang tayo ng masisisi sa kamiserablehan ng ating buhay.

Tama yun sabi nila, Tayo ang simula ng pagbabago! Sa atin, nakasasalay ang ipagbabago ng ating buhay. Wag natin isisi sa iba, kung pwede naman kumilos na tayo para sa atin ikasasagana.

Wag mo ng tingnan muna iba, magfocus ka sa sarili mo, sa ikabubuti ng pamilya mo at pagkatao mo! Pak ganern!

Mabuhay ang Pilipinas! πŸ‘πŸŽ‰

city-1909892_960_720

 

Annyeong! ❀

Posted in Happiness, Life, Thoughts

Isaw At Iba Pa πŸ™Œ

Sarap lang talaga magmeryenda tuwing hapon. Yung tipong ang kaen mo ay panghapunan na! Hahaha πŸ˜‚Β Ganun talaga pag masa, hangga’t makakatipid, gogora!

Eksaktong may napatambay na mag iisaw sa ofis namen, syempre as patay gutom as I am. Grab the opportunity na ang beauty ng lola mo! Kelangan magtipid para umabot sa sunod na cut off. πŸ˜‚ Ang hirap naman ng tubig tubig na lang para mabusog feels! Hays.

Ang sarap nya, as in talagang sakto lang pagkaluto nyan. Di ganun kaitim! Sakto lang talaga tapos may suka pa na may sibuyas at nagmumura sa sili sa sobrang dami. Woo! The best talaga, lalo na pag gutom ka! Haha πŸ˜‚ Natatakam ka na ba? Pwes, bumili ka na bes! Street food is good paminsan minsan.

Minsan talaga sa buhay may mga bagay na akala mo, makakasama sayo pero hindi pala. Yun pala dun ka pa sasaya! Pwede naman pala, basta sakto lang. Wag kang sosobra at siguradong maliligayahan ka! πŸ˜‚

Isaw tayo guys πŸ™‚

Annyeong! ❀

 

Posted in Happiness, Life, Thoughts

Ang Tomboy kong Kaibigan πŸ˜œ

Masasabi kong isa eto sa mga kwento ko na walang kakwenta kwenta. Chos! πŸ˜‚ Baka masaktan sya, Evil laugh!

Yun nga, mga bes! May isa akong kaibigan/kaofismate na tomboy. Masasabi kong hindi sya yung tipikal na tomboy na medyo kaiilangan ng mga tunay na babae, kasi mas maarte pa sya sa babae! Kakarume. πŸ˜‚ Wala naman kasi kaso sa akin kung ano gender ng mga nagiging friends ko as long as totoo sya sa akin. Winner na! Pak. Bongga!

Ewan ko nga ba, kung bakit masyadong pansinin etong tomboy kong kaibigan, hindi dahil Pang that’s my tomboy kagwapuhan nya! Hindi talaga dahil dun.

Writer kasi sya, so madalas talaga sya lumalabas labas. Alam nyu yun, yosi break kasi nga nawwriter’s block ang pandit! Haha. Ayun, madalas sya mapuna, napapagalitan sa paglabas labas na akala mo apektado na buong mundo sa isang beses na paglabas nya! Haha. OA lang talaga ng iba. πŸ˜‚

Siguro, kinaiinggitan sya ng mga CCTV may audio pala sa aming opisina. I mean, yung mga sipsip at tsismosa. Haha. Matalino kasi, medyo pumepetiks pa, pero winner ang performance nya at the end of the day! Pak. nakaquota ang tomboy na mahadera. πŸ˜‚

Sa buhay talaga, di maiiwasan na may makasalamuha ka na talagang susubok sa tunay mong pagkatao. Yung talagang kahit anong gawin mo, kaiinisan ka talaga nila! Hahanap sila ng butas sa buhay mo na akala mo ang peperfect nung sa kanila! πŸ˜‚

Kaya hanga ako sa aking tomboy na kaibigan, kasi sa kabila ng lahat ng nararanasan nya. PangMMK talaga bes mga pinagdaanan nya. Wala! Dedma lang sya. Tuloy ang buhay.

Kasi aanhin mo nga naman ang mga taong inggitera at tsismosa sa madrama mong buhay kung marami ka namang kaibigan at kapamilya na nagmamahal at nakakaalam sa kung ano at sino ka talaga! 😘

Kiber lang. Life must go onπŸ‘

 

Annyeong! ❀

Posted in Life, Thoughts

Jeepney Experience πŸ“’

Napakahirap talaga bumiyahe araw araw. Hindi ko alam kung marame ba makakarelate, pero napakahassle naman talaga ang magcommute!

Aalis ka ng bahay Dyosa ka pa, pag uwe mo sabog ka na! Hahaha. Β Nalusaw na kagandahan sa usok at trapik na iyong mararanasan.

Take note pa, yung sumakay ka at nag abot ka ng bayad pero may umangking iba ng bayad mo! Paksheet lang talaga!

Parang sa isang relasyon lang, hindi mo namamalayan naagaw na pala yung dapat na para sayo. Β Nagmukha ka ng tanga, luhaan ka pa! Badtrip lang!

Pero part yun ng buhay, hindi naman porke’t mabait ka at makaDiyos, hindi mo na mararanasan ang maagawan, maloko at masaktan sa pag ibig.

Ang mahalaga. yung experience na yun yung nagpatibay at humubog sa kung ano at sino ka sa ngayon πŸ™‚ πŸ‘ Tama ba?

Ikaw? Anong jeepney experience mo? πŸ™‚

I’m home πŸ™‚ Sweetdream guys! 😍😘

Annyeong! ❀

Posted in Happiness, Life, Thoughts

Thursday Blues!

Isang tipikal na Thursday, wala masyadong happenings! Buong araw na nasa ofis ka lang at pinakikisamahan mo mga ofismates mong di mo malaman kung ano ba peg sa buhay! πŸ™‚

Yung katabi mong kumanta na ng kumanta ng old at broken hearted songs. Kulang na lang ay magbigti, isang metro na lang at maglalaslas na si ateng! Hahaha. πŸ˜‚

Pero ano nga ba ang theme song ng araw mo ngayon? Medyo rock ba na parang PumaPARAMORE, o medyo inlove ka na parang Ed Sheeran lang?

Kung anuman theme song ng araw mo, mahalaga sa huli ikaw pa rin magdedecide kung magiging masaya o upbeat ba eto. Isa sa pinakamagandang pribilehiyo, ang kalayaang pumili ng kung ano ang nakakabuti at makakapagpasaya sayo. πŸ‘

Walang basagan ng trip, ika nga! πŸ™‚ Kanya kanya yan, basta wala kang inaapakan na tao, iexpress mo kung ano at sino ka 🎢🎀 Ikanta mo na yan with feelings! Hahaha.

 

img20170601130347.jpgAng aking pangkaraniwan na work space sa ofis! πŸ™‚

Annyeong & Xoxo πŸ˜πŸ’‹

Posted in Happiness, Life, Thoughts

Sketz Diner :)

Para basagin ang nakakastress na buhay office at bahay lang, me and my friends decided to eat.

Syempre, sosya sosyalan peg, feeling mayayaman, one day millionaire kasi nga Payday! Yey! πŸ˜‚ After this, petsa peligro na ulit. You know, kasi mga wala ng pera pagkatapos nito.

Habang inaantay namin yung order namin, carbonara at loaded fries lang naman. Mga feeling kala mo sa fine dining restaurant na kumaen mga bruhilda! Haha. πŸ˜‚ Tipikal na usapan ng mga office girls lang naman topic namin.

Yung sahod na di mapagkasya sa sunod na cut off, mga sipsip na kaofismates, alam nyu naman, kahit san meron nyan πŸ™‚ Sa inyo ba? marame? Haha. Β I bet! πŸ˜‚

Lahat ng stress ng buhay, napagusapan na! Daig pa si Gabriela Silang, kala mo mag aaklas na peg at leader ng union kung makapag emote mga bruhilda. Pero hanggang dun lang, minsan talaga may mga bagay na hindi natin masabi, hindi natin maipaglaban kahit alam natin nasa tama tayo. Dahil sa takot. Takot na mawalan ng trabaho, takot sa sasabihin ng iba, takot na mawalan ng kaibigan. Takot sa lahat ng pwedeng masamang mangyari.

Kung magkakaroon lang sana tayo ng tapang, baka yung inaasahan natin pagbabago mangyari! Minsan talaga kelangan lang natin ng tapang, tapang na harapin ang lahat πŸ™‚

Sana, sa susunod, magkaroon na kami ng tapang πŸ™‚

friesimg_20170531_210302P.S. Share ko yung pics ng kinain namin πŸ™‚ Β Feelingera sosyalin.

Ciao, Annyeong! 😍❀