Posted in Life, Thoughts

Sa Umpisa Lang

Hindi ko alam kung ako lang ba o baka yung iba rin nakakaranas ng ganito. Sa umpisa lang, lageng sa umpisa ka lang masigasig. Sabi nga nila, ningas kugon kumbaga. Gaya ng pagsusulat, yung passion ko nasa umpisa lang, dumaan mga araw, hindi ko na alam bakit parang nawalan na yung excitement, yung thrill.

Bigla akong napaisip, parang relasyon lang din. Sa una, andun pa kilig, andun pa yung kaba sa tuwing makikita mo sya. Andun yung interest mo, nasa kanya. Kahit anong gawin nya, nakakturn off na pero parang wala lang sayo, tinamaan ka lang talaga! Haha 😂 Cheesy na.

Hanggang sa nagtagal na kayo, wala na yung kilig, wala na masyadong excitement kasi ginawa nyu ng routine ang lahat ng ginagawa nyu sa relasyon nyu. Kaya siguro yung iba, humahanap ng iba.  Kaya siguro minsan hindi nagwowork. O talagang nasa atin na problema, hindi natin matanggap ang realidad na lahat ng bagay nalipas at natitira na lang yung companionship, yung love at friendship na nabuo nung kayo pa.

Kaya siguro din nagtatagal yung iba,  kasi nalampasan nila ganitong phase, na sa una lang talaga yung mga kilig, sa patagal na ang tunay na pag ibig 🙂

Kaya okay lang kung sa umpisa lang ganyan, darating din kayo sa pangmatagalan. Yung kahit na wala ng kilig, wala na yung thrill, andyan pa rin yung pag ibig 🙂

Annyeong ❤

Posted in Happiness, Life, Thoughts

You are Perfectly Imperfect ❤

Huwag magexpect na english mababasa mo, porke’t english ang pamagat! Hehe. 😂 Hindi ko lang talaga alam kung paano sya iexpress ng maayos sa tagalog. 😊

Kaninang hapon, sobrang lakas ng ulan. Akala mo hindi na titila, para bang nbrokenhearted ang langit, kung makaiyak at maibuhos ang ulan, wagas! 😂 At kapag ganitong panahon, tag ulan! Hindi mo maiwasan magsenti at magmuni muni.

Naalala ko dati mga katangahan ko sa pag ibig, kung ilan beses na akong naloko at mga palpak na desisyon ko sa buhay kasi mas pinangunahan ako ng aking emosyon, samahan na ng batang pagiisip. Sobrang napapailing na lang ako sa aking mga pinagagawa dati. Kapag naiisip ko, yung iniisip ng mga nakasaksi sa mga katangahan kong yun, grabehan lang. Nakakahiya talaga! 😲😱

Yun kasi yung mga panahong hindi mo pa kayang kontrolin yung emosyon mo, nasa peak ka pa ng pagkainlove at lahat ng ginagawa mo ay may pagkaselfish lang naman. Haha 😂 Kumbaga, you and me against the world ang peg. Yung akala mo, mapapakain ka ng pag ibig kaya okay lang na magpapetiks petiks ka sa pag aaral.  Yung konting yakag lang ng bf o gf mo, makipagdate, gagawa ka talaga ng paraan kahit ikaw ay mapagalitan.  Pero yung mga nagawa ko dahil sa katigasan ng aking ulo dato ay mga mild pa lang naman. Hindi naman kasi ako dumating dun sa puntong napariwara na at nasayang ang aking buhay.

Iniisip ko lang talaga, yung mga sinasabi ng iba at impression sayo ng taong nakasaksi ng iyong kabataan.  Parang nakakapagsisi at ginawa mo yung mga ganung klaseng katangahan. 😂

Sa bandang huli, narealize ko din na kung hindi ko yun nagawa dati, hindi ko malalaman ang tama sa mali. Hindi ako matuto na kontrolin ang aking emosyon. Kung hindi ko yun nagawa dati baka hanggang ngayon hindi pa rin ako natuto sa kung ano ba talaga realidad ng buhay. Baka hindi ako yung kung ano ako ngayon.

Kaya huwag mong ikahiya ang iyong mga kahinaan, katangahan at kabaliwan sa katawan. Lahat ng desisyon mo, tama man yan sa ngayon o mali, meron kang matutunan.  Kaya, gorabels lang! Tangkilin mo ang perfectly imperfect na ikaw. ❤😘

Annyeong.

Posted in Life, Thoughts

Babae versus Lalake 👧👦

Inuunahan ko na kayo, hindi talaga ako feminista. Haha 😂 Eto naman e, napapansin ko lang at syempre base sa mga ilang karanasan ko lang din naman mga bes. Hindi ko po inaapi mga lalake dito, sori mga tol! 💪👍

Nakakainis lang naman kasi, buwan buwan na lang ang mga babae, may dalaw. Jusmio, napakagastos na sa napkins, napakainit pa sa pakiramdam. Ikaw ba naman palsakan mo ng napkin pepe smith mo mghapon, bgo sabayan pa ng sakit sa puson. Pano ba naman hindi ka maiirita diba? Bago masasabihan ka pa nag iinarte lang. Mga dude, buti sa inyo palawit lawit lang, pagkatapos ng tuli portion okay na kayo! Isipin nyu na lang, ang sakit ng puson namen e katumbas ng pagsakit ng puson nyu pag nabitin sa sex o kaya nabetlugan! As in, hindi nawawala ha, stay in ang sakit! Kakaloka!

Kapag lalaki ang nagloko sa gf o asawa, wow, naks! Dagdag pogi points, taas ng ego buka ang pakpak ng mga hinayupak. Sasabihin e, normal lang sa lalaki ganyan. Sus! Kapag babae naman nagloko, wala pang sex na nagaganap, jusmio, ilang mga sumpa na kaakibat. Kesyo, putahin, kaladkarin, pawalk! Bullshit, parehas lang naman yan, mapalalake o babae ka man. Parehas manloloko. Walang dapat pinapalampas. Kesyo lalake ka, pwede na! Huwag naman ganun.

Ilan lang yan sa mga scenario na medyo pabor talaga sa mga lalaki. Ewan ko nga ba, dahil nga yata sa pagkakasala ni Eva kaya naghihirap tayong mga babae. Hays!

Ganunpaman, kahit mas maraming perks ang pagiging lalaki. Thankful naman ako sa pagiging babae ko, kasi may mga bagay naman na normal lang na pwede nating gawin kumpara sa lalaki. Hihihi 😂

Kaya kung bakla, tomboy, lalaki o babae ka man. Siguro nga may mga bagay na unfair para sa atin, pero kahit na ganun, tuloy lang buhay. Live smart and enjoy every moment of it.

Annyeong ❤

Posted in Life, Thoughts

Isa Kang Magandang Bulaklak 🌺

Masasabi kong hindi ako feminista, ako yung nasa sakto lang. Hindi ako yung tipong nangagalaiti na gad, masabihan lang na weak ang mga babae. Humahanga naman talaga ako sa mga lalaking responsable at masisipag. Iba lang talaga ang kanilang diskarte.

Magkaiba man ang babae at lalake sa napakaraming sitwasyon at pagharap sa buhay, masasabi kong kahinaan naman din nila isa’t isat kapag napana ni kupidong pag ibig. Haha 💘 Pagkacorny! Nakakarume. 😱

Para ito sa mga babae na nakakalimot na maganda sila sa kani kanilang paraan at katangian. Para ito sa mga single mother na nakalimutan ng pahalagahan ang kanilang mga sarili dahil sa kanilang mga responsibilidad. Para ito sa mga babaeng nawalan ng tiwala sa sarili dahil sa isang pangit na karanasan sa pag ibig. Para ito sa mga babaeng pinipilit pa rin harapin ang realidad ng buhay ng buong tapang!

Isa kang magandang bulaklak, lagi mong tatandaan.  Huwag mong hahayaan ang kahit na sinuman na apakan ang iyong kagandahan, ang iyong kabutihan. Kailangan mo man ang kalinga ng iba, lagi mong iisipin na kahit anu pa man, isa kang magandang bulaklak na kayang harapin ang lahat. Huwag mong hayaan ang pait ng nakaraan ang sumira sa natatangi mong ganda.

Panahon na para bumangon ka, magpalakas, magpaganda. Hayaan mo sila makita ulit ang natatangi mong katangian na wala sa iba. Kaya mo yan, nakaya mo nga dati dba? Patibayin mo puso at kaluluwa mo! Maganda ka, tandaan mo!

Annyeong❤

Posted in Life, Thoughts

Nakakapikang Realidad😡

Im at my limit talaga these past few days. May mga tao kasi ang hirap pagpaliwanagan. Hindi nakikinig sa paliwanag at yung mga sarili lang nilang nararamdaman ang tuong pinagtutuunan ng pansin.

Hindi ko masasabi na mabuti akong anak at kapatid. Para sa akin kasi, as long as lumaki kang mabuting tao, sinusunod mo at ginagalang mo magulang mo, maituturing ka ng mabuting anak! Hindi rin ako yung tipo na makikipagpaligsahan sa atensyon at oras ng aking mga magulang, siguro dahil nasanay na lang din ako na, sakto lang. Hindi ka favorite, hindi ka rin naman masasabing black sheep.

Pero minsan lang talaga, kahit pilitin mo na walang maganap na paghahambingan sa inyong magkakapatid, nangyayari at mararamdaman mo  na lang na iba iba talaga pagtrato sa inyo ng inyong mga magulang.  Siguro, hindi na rin nila maiwasan at hindi rin nila sinasadya, pero minsan talaga nakakapika.

Sa totoo lang, pangalawa ako sa aming magkakapatid. Tatlo lang naman kasi kami, yung panganay namin na sobrang responsible at mature, ako na walang masyadong kamaturityhan sa katawan at kapatid kong baklita na may masasabi rin naman. In short, ako pinakamahirap! Haha 😂

Kapag may hindi pinagkakaunawaan ang dalawa kong kapatid na parehas ang ugali at temper, ako yung tipong tahimik lang at walang pakielam. Hindi rin kami nakikielam sa sari sarili naming lovelife. Maayos naman ang aming samahan.

Nakakainis lang talaga minsan, alam mo naman na malaki utang na loob mo sa panganay mong kapatid, kasi sya nagpaaral sayo at kung anu ano pa. Sya kasi maituuring na bread winner, matalino at career oriented pa. Naappreciate mo naman yun, hindi mo naman binabalewala lahat ng sacrifices nya para sa inyo.  Pero masakit pa rin na marinig na, magaling ka lang humingi ng pabor. Oo, nahingi ka ng pabor kasi sya naman may pera, hindi mo naman inaasa sa kanya lahat. Nagtatrabaho ka din naman. Humingi ka lang pabor para may magbago sa career mo, sasabihin na nya ganun kasi hindi mo lang agad nagawa yung isang bagay na gusto nyang ipagawa sayo.

Nakakapika, parang minsan magaling pang humingi ng pabor sa hindi mo kadugo kasi tutulungan ka ng bukal sa puso.  Kasi baka hindi mo maranasan yung feeling na yun.  Yung feeling na ibinabauy nya sayo na magaling ka lang pag may kailangan.

Gustong gusto ko na syang sagutin, sabihin lahat ng nararamdaman ko. Kaso dahil sa respeto, pinigilan ko sarili ko. Kaya sana, sa mga panganay na breadwinners dyan, hindi porke’t kayo ang maraming naitulong at naisakripisyo, hindi nyu na kelangan makinig. Na opinyon nyu lang mahalaga. Sana matuto rin kayo makiramdam sa pakiramdam ng mga kapatid nyu. Hindi porke’t hindi sila nakakapagpasalamat ng personal sa lahat ng tulong nyu, may karapatan na kayong mangbauy sa lahat ng nagawa nyu.

Annyeong ❤

Posted in Happiness, Life, Thoughts

Bakit Nga Ba?

Sa lumipas na mga araw, wala talaga akong maisulat. May gusto akong sabihin ngunit hindi ko rin malaman kung ano ba’t para saan pa.

Minsan kasi dumarating yung punto na gusto mo lang talaga yung hindi ka kumikibo at wala kang imik. Tula tulalaan sa isang tabi ang peg.  😂 Wala ka namang sobrang bigat na problema pero gusto mo lang talagang magmuni muni at magdrama.

At habang nasa ganito akong moment, naisip ko lang bakit nga ba ako nagsusulat, para kanino at anong purpose. Sa kaiisip ko, wala rin naman akong napala, lalo lang ako nawala sa mood magsulat ng kung ano nasa isip ko at nararamdaman ko.

Sa kaiisip ko, hindi ko namalayan. Natapos na maghapon na walang nangyari at wala akong nakapanginabangan. Yung kasiyahan na dapat maexperience ko ng moment na yun ay hindi ko naranasan kasi mas inuna ko pa pagiisip sa kung anong sagot sa tanong na bakit nga ba ako ngsusulat.

Maihahantulad ito sa habang buhay na paghahanap mo ng sagot sa kung ano nga ba kahulugan ng buhay. Walang konkretong sagot.

Minsan talaga, hindi lang dapat puro isip ginagamit, kelangan rin ng puso. Para di ka malipasan ng saya, di ka malipasan ng kung ano ang meron sa ngayon. Kasi ang puso mo rin naman magdidikta sa kung saan ka magiging masaya at yun mahalaga.

Maiisip mo na lng hindi mo na kelangan ng sagot sa mga  bakit nga ba ng iyong buhay. Kasi dun pa lang sa buhay ka at humihinga dapat solb ka na! Masaya ka na, kasi pinagpala ka at nabigyan ka ng chance kung paano mabuhay!

Kaya kung ako sayo, enjoy what’s happening now and don’t ovethink the why’s of life!

Annyeong ❤

 

Posted in Happiness, Life, Thoughts

Hindi Inaasahang Pangyayari🙏

Blangko lang talaga at wala akong maisulat kahapon, sa kadahilanang may malaking announcement daw ang nakakataaas sa araw na ito. Attendance is a must.  Kagulo na sa opisina kahapon pa at maging kaninang umaga.

Nagkakaasaran na nga sa kung sino ba matatanggal at kung ano ano pa. Majority ang nababahala kasi hindi nga naman eto pangkaraniwan sa aming munting opisina.

Lahat kami ay umasa na ang araw na eto ay hindi magtatapos ng maganda kasi nga nasanay na sa expect the worst ika nga nila. Para di ka lubusang masaktan at handa na puso mo kung sakali dba?

Ayun na nga, dumating ang alas kwatro y medya at ang pinakaabangan ay mangyayari. Lahat ng bagay na hindi namin inaasahan ay nangyari na, lahat ng akala namin ay hindi namin matatanggap ay ibinigay na.  Lahat ng aming hinaing ay pinakinggan. Kaya ngayon lahat ng aming inaalala ay nalunasan na!

Minsan talaga ang kailangan lang ay komunikasyon, tamang approach sa mga bagay bagay at higit sa lahat ang paniniwala na lahat ng bagay na nararapat sayo ay unti unti mo ring matatanggap. Hindi man agad agad, ngunit darating din yun sa tamang panahon.

Sabi nga nila, good things come for those who wait. Kaya antay antay ka lng, baka yung hinihiling mo sa Diyos, inaayos pa nya at mas lalong pinapaganda para matanggap mo sya sa tamang panahon kung kelan feeling mo wala ka ng pag asa at never ng mangyayari ang mga pinagdasal mo noon.

Hintay ka lang, tiwala lang! 🙏👏

Annyeong ❤

Posted in Life, Thoughts

Kabit Kabit na Istorya sa Social Media 🙈

Sa panahon ngayon, hindi na kelangan ng mga natural na tsismosa ang pumunta kung saan para humagilap ng tsismis. Sosyal na din sila, sa bahay na lang habang online at ngtitingin tingin ng mga status ng kanilang mga kapitbahay at mga araw araw na trending sa Facebook, twitter o instagram man yan, meron na silang tsismis na makikita! Wagi talaga sila!

Sa kabilang banda, hindi naman natin sila masisisi lalo na’t kung lahat na lang ng pangyayari sa buhay ay ipinost natin sa social media. Mula sa bago mong nail polish hanggang sa bago mong cover ng kama. Hahaha. Aminado ako, minsan talaga ganun din ako, pag may bagong pangyayari sa buhay ko. 😂 Wala e, may kayabangan din taglay ang lola mo!

Kaya hindi na ako magtataka kung malaman din ng lahat kung sino sinong lalaki ang may itinatagong kabit sa lugar nyu! 😂 Napansin ko lang kasi, sa dami ng trending na nabasa ko, kadalasan puro tungkol sa kabit ng kanilang jowa at asawa ang kanilang pinipost.  Malma na talaga. Kinaen na ng sistema ng social media. Hahaha.

Yung mga bagay na dapat personal na, pinopost na rin sa social media. Tapos magagalit kapag napagtsismisan sila o nabash dahil sa post nila. Hahaha 😂 Medyo may katangahan lang talaga!

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ba nila pinopost ang ganung bagay, humihingi ba sila ng simpatya kasi naloko sila o talagang gusto lang nila pag usapan sila sa ganun paraan 😂

Kaya sana, icheck muna natin kung tama ba ang mga pinagpopost natin sa social media. Minsan kasi talaga, sumosobra na tayo at ang lahat ng sobra nakakasama na sa atin. Sa ating pagkatao.

Gamitin natin sa tamang paraan ang pagkakaroon natin ng kalayaan ipahayag ang ating mga sarili. Hindi yung porke’t naloko at nasaktan ka, may karapatan ka na ring mamahiya at manakit ng iba.  Wala ka na ring ipinagkaiba sa kanila kung ganun dba?

Let’s think before we post, is it necessary?

Annyeong ❤

Posted in Happiness, Life, Thoughts

Haplos ng Ina❤

Ang magkasakit ay di biro, kahit simpleng lagnat lang o masakit na lalamunan, talagang dadamdamin mo na kasi nakakapanghina nga naman.

Sa mga mahihirap o masa na tulad namin, ang mga ganitong simpleng sakit ay ipinagpapahinga na lang. Kasi ang mahal nga naman kung sa bawat pagkakaroon mo ng sipon at lagnat ay magpapacheck up ka na gad. Dadaanin muna yan ng ating mga magulang sa mag asawang gamot at tubig tubig lang. 😁

Eto naman napapansin ko lang, sa tuwing ikaw ay may sakit, saka ka naman aalukin ng iyong ina ng kung ano anong masasarap na pagkaen. Hahaha.  Kulang na lang ay ipaglechon ka makakaen ka lng ng marame 😂 Kung kelan wala kang malasahan, saka naman sila tuong may paghahanda ng kung ano anong pagkaen, nakakaloka lng talaga! 😂

Pero, wag ka! Kapag wala ka namang sakit, at ngrequest ka ng wala sa hapag kainan. Masesermonan ka na ng katakot takot na akala mo ay may ginawang kang krimen at di ka katanggap tanggap sa lipunan. Hahaha 😂

Ngunit, sa kabila ng lahat. The best pa rin ang haplos ng ina sa tuwing ikaw ay may sakit. Ewan ko ba para silang may magic kahit vicks lang naman ang pamahid. Hehehe.

Saludo ako sa bawat ina na kahit mahirap ang buhay ay patuloy nilang inaalagaan ang kanilang mga anak. The best among the rest talaga ang ating mga nanay! ❤

Annyeong! ❤

Posted in Life, Thoughts

Mga Batang Millenials 👗👛

Millenials, hindi ko alam kung ano ba ang eksakto at konkretong kahulugan ng salitang yan! Hahaha. Mdyo bobo lang paminsan minsan. Sori na! Tao lang. Para sa akin, kahulugan nyan ay mga batang ipinanganak simula 2000 up to now. Pwede rin namang tayo na inabutan ng ganitong term sa social media. Kahit alam natin talaga Batang 90’s ang tawag sa atin 🙂

Kung anuman kahulugan nyan para sayo, ang alam ko lang talaga iba na mga bata ngayon kesa sa dati. Bihira na lang nilang maranasan maglaro sa labas, kasi puro cp, tablets, computers na ang kanilang hinahawakan ngayon.

Masasabi kong masaya at talaga namang isang malaking adventures ang kabataan ng mga Batang 90’s. Kung saan uso pa mga laro, langit lupa, mataya taya, jerbase, danggit panyo, patintero at piko. Kung saan nagiipon ka pa ng mga teks at paper dolls. Masaya ka na pag nagkaroon ka ng songhits at cp na nakakapgcompose ng ringing tone ng paborito mong kanta.

Sa ngayon, ako ay nalulungkot sa mga batang nagmamadaling tumanda. Elementary pa lang maruno ng magmake up at kung ano ano pa. Nakikita mo na sa lansangan na may kahawakan ng kamay. Hindi mo naman mautusan maghugas man lang pinggan 😱😂  Marami ng alam, kala mo ganun lang kadali ng buhay.  Kasarap lang talaga nilang kuritin sa singit at paluhudin sa asin. Hahaha.

Hindi ko naman nilalahat, kasi alam ko meron pang mga bata dyan na maraming pangarap sa buhay, yung inieenjoy lang nila ang kanilang pagkabata. At saludo ako sa kanila.

Annyeong! ❤