Posted in Thoughts, Uncategorized

Aminin Natin May Mali

Minsan, kapag mahal natin isang bagay o tao, hindi natin napapansin na may mali. Kasi nga mahal natin, andun yung pasensya at pang unawa. Bibigay natin lahat, tayo magaadjust.

Hanggang sa unti unti, hindi mo na namamalayan na ubos ka na, yung worth mo as a person nawala na. Kasi bakit? Hindi natin pinapansin yung mali, pinabayaan na lang natin. Kasi nga ayaw mong mawala yung mga tao o bagay na mahalaga sayo, kahit na hindi naman nila nakikita yung worth mo.  Yung dapat na love na natatanggap mo, hindi nila maibigay sayo kasi tanggap lang sila ng tanggap sayo! 

Kaya sana, sa susunod na magmamahal ka, huwag mong itolerate yung mga mali. Mahalin mo rin sarili mo. Huwag mong hayaang dumating sa punto na wala ka ng maibigay kasi naubos na lahat ng sayo. 

Magsalita ka, magreklamo ka! Ipaglaban mo mga bagay na nararapat para sayo. Hindi naman masama na hangarin yung alam mong nararapat para sayo. As long as, wala kang tinatapakan na tao.  Matuto kang umalis, iwanan mga tao, bagay na nagpapahirap sayo.  Hindi mo kelangan ng mga taong hihila sayo pababa at aabusihin lang pagmamahal na meron ka! 

Hindi pa huli lahat. Know your worth and move forward. 


Annyeong ❤

Advertisements